Ang Banaag ng Nakakubling Ginto ay nangangahulugang ang kislap ng nakatagong kagandahan. Ito ay isang blog na tumatalakay sa nakatagong kagandahan ng bayan ng Tampakan partikular sa: kultura, panitikan, paniniwala, at mga napapanahong isyu. Ang Tampakan ay kabilang sa ikaapat na antas ng munisipalidad sa lalawigan ng Timog Cotabato.
Sabado, Oktubre 3, 2015
PANUNURING PAMPELIKULA: HENERAL LUNA
Sinematograpiya
Base sa nakitang pelikula, ang sinematograpiya ay hindi gaanong maganda at hindi lubos na naisalarawan nang maayos. Mas magiging epektibo ito kung matagumpay na naisalarawan ang nilalaman sa pamamagitan ng pag-iilaw, komposisyon, galaw, at ibang kaugnay na teknik ng kamera.
Editing
Nagiging epektibo ang editing ng nasabing pelikula dahil malikhain nitong pinakikitid o pinalalawak ang oras, kalawakan at galaw at nangingibabaw ang anumang nais ipahayag ng filmaker.
Musika at Tunog
Naging maganda naman ang musika at tunog ng pelikula.Pinalilitaw nito ang kahulugan, pinatitingkad ang atmospera at damdamin, nakatutulong sa pagtiyak sa katauhan, at inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula.Epektibo ang tunog ng pelikula at naisalin nito nang buhay na buhay ang diyalogo, musika, epektong tunog at katahimikan, at ang mga ito’y naisasaayos sa malikhaing paraan.
Disenyo
Epektibo ang disenyong pamproduksyon. Nagawa nitong iskatuparan sa malikhaing paraan ang pook, tagpuan, make-up, kasuotan, at kagamitan na nagpapalitaw ng panahon, kapaligiran at katauhang hinihingi ng realidad ng dulang pampelikula.
Hindi naging epektibo at matagumpay ang pagganap ng nasabing pelikula. Hindi matagumpay na nagawa ng artista na mapaniwala ang mga manonood sa tauhang kanyang inilalarawan dahil ang iilan sa kanila ay naging katawa-tawa marahil ay hindi naaayon sa kanilang personalidad ang nakuhang gampanin.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento