Sabado, Oktubre 3, 2015

PAGKASIRA NG KALIKASAN: Dulot ng Pagmimina

PAGKASIRA NG KALIKASAN: Dulot ng Pagmimina

  Hindi kailan man maibabalik ng pagmimina ang sinira nitong likas na yaman ng bansa – ang mga kagubatan, ilog, palayan at iba pa. Ayun sa 4th Philippine National Report to the Convention on Biological Diversity noong 2009, ang dalawampu’t tatlong (23) malalaking minahan sa bansa ay matatagpuan sa natitirang key biodiversity areas (mahalagang lugar para samu’t-saring buhay) tulad ng Palawan, Mindoro, Sierra Madrea at maraming lupain ng Mindanao.
Salungat sa sinasabing may buhay sa pagmimina, naniniwala ang Haribon Foundation, Inc. na ang pagkasira ng kalikasan ay pagkasira ng buhay sapagkat ang kalikasan ay siyang nagbibigay ng ating mga pangangailangan tulad ng pagkain, tubig at gamot. Ngayong World Environment Day nais nating sagutin nila ang tanong: “Pagkasira ng kalikasan dahil sa mina, ganun na lang ba yun?”



             Ang pagkasira ng kagubatan at ng mga ilog dahil sa pagmimina ay direktang nakakaapekto sa suplay ng tubig para sa mga palayaan at pang-araw-araw na gamit ng mamamayan. Sa pagkakataon na ang minahan ay mabigyan ng permit para magmina, kasama dito ay karapatang gamitin ang mga yamang-tubig na bahagi ng miminahing lupain. Dahil dito, ang tubig na dating pinakikinabangan ng mga komunidad higit lalo para sa kanilang mga pananim ay tila ninanakaw sa kanila. “Kawalan ng tubig pang-irigasyon at pagkasira ng lupaing agrikultura dahil sa mina, ganun na lang ba yun?”
Ilang trahedya na din ang nagpapakita kung paanong nalalason ang mga ilog at lawa ng ating bansa dahil sa mga mapaminsalang kemikal galing sa pagmimina. Tulad na lamang ng magkasunod na fishkill sa McArthur, Leyte na nagpahirap sa kabuhayan ng maraming mangingisda doon. “Fish kill sa Lake Bito, ganun na lang ba yun?”

 Kaliwa’t kanan na rin ang mga kaso ng tahasang paglabag sa karapatang pantao ng mga minahan para sa ngalan ng mga proyektong ito. Ang marahas na demolisyon sa mga tahanan ng mga kapatid nating Ifugao sa Didipio sa Nueva Vizcaya ay isa lamang sa mga kasong ito. Samantalang sa pamunuan ng Pangulong Aquino pa lamang ay mahigit ng tatlumpong environmentalist at tumututol sa pagmimina ang napaslang at patuloy na naghihintay ng hustiya. “Pag-paslang at pananakot ng mga mining companies sa mga ordinaryong tao, ganun na lang ba yun?”

. Sa kabila ng pagsasabatas ng Indigenous Peoples Right Acts ay patuloy pa rin ang pagbaliwala ng mga minahan sa karapatan ng mga katutubo. Hindi nasusunod ang tamang proseso ng pagkakaroon ng Free, Prior and Informed Consent, kadalasan ito ay nadadaya at hindi kaalinsunod sa totoong damdamin ng mga kapatid nating katutubo. Patuloy ang pangangamkam sa kanilang mga lupain, samantalang sila ay napipilitang lumipat ng tahanan malayo sa kanilang kabuhayan. “Pag-tapak sa karapatang ng katutubong Pilipino, ganun na lang ba yun?”

. Ang pangakong pangangalaga ng pamahaalan upang mailayo ang bansa sa kapahamakan na dala ng pagbabago ng klima at ng iba pang trahedya tulad ng lindol at pagbaha, ay nananatiling nakasulat lamang sa papel at hindi naisasakatuparan. Sa kabila ng pagsasabatas ng Climate Change Act at ng Disaster Risk Reduction Act, patuloy pa din ang pagsulong ng pamahalaan sa mga proyektong pagmimina na siya namang nakasisira sa ating kalikasan. Naniniwala ang SOS-Yamang Bayan Network na hindi dapat pinapahintulutan ang pagmimina sa lugar na may mataas na banta sa pagbaha, pag-guho at iba pang trahedya. Gayun din na dapat pagtuonan ng pansin ay ang mahigit walong-libong (8,000) inabandonang minahan na hanggang ngayon ay nanatiling nakatiwangwang, di na-rerehabilitate, at di man lang napag-aaralan ang mga maaring trahedyang idudulot. “Banta ng trahedya sa mga komundad dahil sa malawakang pagmimina, ganun na lang ba yun?”
Ito ang mga tanong at isyu na dapat bigyan pansin ng pamahalaan. Muli naming iginigiit na ang kasalukuyang batas sa pagmimina sa bansa ay mali at mapanira sa ating kalikasan. Panahon na para magkaroon ng pagbabago sa polisiya – na magtutulak ng isang rasyonal na pamamahala ng ating yamang minerals. Dahil ditto, nararapat lamang na ibasura na ang Mining Act of 1995. Panahon na para sa pagbabago – Suportahan ang pagsasabatas ng Philippine Mineral Resources Act of 2012!



Sa panaginip na lamang...







Kay gandang pakinggan
Huni ng mga ibon
Dama ko ang kapayapaan
Isip ay walang agam-agam

Sa wari ko ay paraiso
Tilamsik ng tubig sa talon
Pagsilip ng araw sa mga dahon
Mapag-anyayang balon

Sariwang hangin na dumadantay
Tunog ng tubig na dumadaloy
Sa ilog, o kay sarap lumangoy
Sabay sa agos na kay lumanay

Payapang nilalang na nakataghoy
Nakakubli sa mga punong-kahoy
Sa bawat hakbang, aking naamoy
Halimuyak ng mga blulaklak na ligaw

Sa aking pag-gising, panghihinayang
Dahil kailanman din na mararanasan
Mga masasayang araw na nagdaan
Nang kaulayaw pa ang inang kalikasan

                                      PANUNURING PAMPELIKULA: HENERAL LUNA



  Sinematograpiya
Base sa nakitang pelikula, ang sinematograpiya ay hindi gaanong maganda at hindi lubos na naisalarawan nang maayos. Mas magiging epektibo ito  kung matagumpay na naisalarawan ang nilalaman sa pamamagitan ng pag-iilaw, komposisyon, galaw, at ibang kaugnay na teknik ng kamera.

Editing

Nagiging epektibo ang editing ng nasabing pelikula dahil malikhain nitong pinakikitid o pinalalawak ang oras, kalawakan at galaw at nangingibabaw ang anumang nais ipahayag ng filmaker.

 Musika at Tunog
Naging maganda naman ang musika at tunog ng pelikula.Pinalilitaw nito ang kahulugan, pinatitingkad ang atmospera at damdamin, nakatutulong sa pagtiyak sa katauhan, at inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula.Epektibo ang tunog ng pelikula at naisalin nito nang buhay na buhay ang diyalogo, musika, epektong tunog at katahimikan, at ang mga ito’y naisasaayos sa malikhaing paraan.

Disenyo
Epektibo ang disenyong pamproduksyon. Nagawa nitong iskatuparan sa malikhaing paraan ang pook, tagpuan, make-up, kasuotan, at kagamitan na nagpapalitaw ng panahon, kapaligiran at katauhang hinihingi ng realidad ng dulang pampelikula.

Hindi naging epektibo at matagumpay ang pagganap ng nasabing pelikula. Hindi matagumpay na nagawa ng artista na mapaniwala ang mga manonood sa tauhang kanyang inilalarawan dahil ang iilan sa kanila ay naging katawa-tawa marahil ay hindi naaayon sa kanilang personalidad ang nakuhang gampanin.

maikling profayl ng Tampakan


                                                  


Ang malawak at mayabong kapatagan na mangibabaw ang kanlurang bahagi ng munisipalidad ang at bulubunduking lugar. 

Ang Tampakan ay may maraming mga ilog at batis na pagtawid ng bayan na maglingkod bilang pinagmulan ng water supply ng iba't ibang Barangay para sa mga layunin ng patubig. Ito ay tumutulong din sa pagiging produktibo ng mga lokalidad sa panahon ng agrikultura.

 
Ito ay isang pangunahing tagagawa ng mais, saging, pinya, ginto at tanso, mga produkto ng gubat at hibla, woodcrafts kawayan at rattan.

 
Tulad ng mataas na bilang 71% ng mga lugar nito ay maaaring magamit para sa mga permanenteng pananim, permanenteng pastulan, gubat at ligaw na buhay na layunin.                                                                                                 

 
Ito ay kilala para Taal Falls na matatagpuan sa pagitan ng mga hangganan Mga Barangay Albagan at Tablu, Bundok Ng Susong Dalaga sa Barangay Lambayong at Kwubang Bungo sa sitio Kolondatal, Barangay Tablu.Ang isang malawak na lugar ng Tampakan ay ginagamit ng Global Fruits Corporation (GFC) / Lapanday Saring Mga Produkto para sa plantasyon ng prutas  nito.